MANILA, Philippines — Malaki ang naging lamang ni Rep. Dale ‘Along’ Malapitan laban sa kanyang mga magiging katunggali sa pagka-mayor ng Caloocan City, base sa inilabas na survey ng non-profit organization na RP-Mission Development Foundation Inc. (RPMDI).
Ayon sa survey, kung ngayon gagawin ang lokal na eleksyon, 67% ng mga taga-Caloocan ang boboto sa mambabatas, habang 30% lamang ang boboto sa representante ng pangalawang distrito na si Egay Erice.
Dahil nasa huling termino na ang kanyang ama na si Mayor Oscar ‘Oca’ Malapitan, napipisil nito na ipalit ang kanyang panganay na anak na si Cong. Along bilang pangulo ng lungsod.
Bata man na maituturing si Cong. Along, ito naman ay hitik na sa kaalaman sa pamamalakad ng lungsod. Gayundin ay mayroon na itong sapat na political experience bunga ng kanyang dalawang terminong panunungkulan bilang representante ng Caloocan City sa House of Representatives.
Patunay ng maayos na pagsisilbi ni Cong. Along sa mga taga-Caloocan ay ang pagsama sa kanya ng RPMDI sa Top 10 Performers ng Kamara nitong nakaraang buwan lamang.
Kinilala rin ito bilang isa sa Most Outstanding Local Legislator ng Superbrands noong 2014.
Nagsilbi rin ito sa Sangguniang Panglunsod, at naging presidente ng Liga ng mga Barangay.