MANILA, Philippines — Pinalagan ng Quezon City government ang bago na namang mapanirang report kaugnay sa ipinamahaging food packs noong nakalipas na Disyembre sa lungsod.
Ayon kay Atty. Orlando Paolo Casimiro, head ng Legal Department ng QC, naglaba-san na naman ang mga walang katotohanang alegasyon ng mga mapanirang grupo na matapos ang unang pekeng pasabog, ngayon naman ay overpriced food packs-kuno na ginagawan ng kwento.
“Malapit na talaga ang eleksyon, kaya naman may ilang indibiduwal ang naging gawi na ang magpakalat ng maling mga balita laban sa pamahalaang lungsod para lamang sa kanilang poli-tical agenda”, dagdag pa ni Casimiro.
“Gaya ng dati nilang drama, may bitbit silang purchase order na pinirmahan noong nakaraang December 2020, para kunwari may resibo ‘yung mga paratang nila. Ngunit, alam po na-ting lahat na ang presyo ng pagkain ay tumataas tuwing kapaskuhan. At lalo po itong naramdaman noong nakaraang kapaskuhan dahil nga sa pandemya; tumaas ang presyo ng mga basic and essential goods; halos walang laman ang mga grocery, at mababa ang imbentaryo sa kahit saang lungsod” sabi ni Atty Casimiro.
Anya, ang presyo ngayon ng mga bilihing nakalista sa purchase order ay mas mababa kumpara sa presyo noon.
Iginiit din ni Casimiro sa mapanirang grupo na gumawa muna ng konting research hinggil sa kanilang mga alegasyon.
“Sa opisyal at orihinal na PO, mayroon pong 12 line items pero 9 lang ang pinakita nila. Hindi nila sinama ang mga presyo ng packaging, labor, repacking, delivery, warehousing, at mga buwis na babayaran ng supplier. Halatang-halata ang malisya sa sadyang pagtanggal nila nitong mga bagay na ito. “ dagdag ni Atty. Casimiro.
Ipinaalala rin nito na ang Commission on Audit (COA) mismo ang mabusising sumuri ng mga gastusin ng QC LGU, kasama ang PO at dito ay nakita na ang mga transaksyon ng lokal na pamahalaan ay ‘above board ‘ kaya nakatanggap ang lungsod ng pinakamataas na marka sa buong kasaysayan ng QC.
“Tayo po ang unang administrasyon sa lungsod na nabigyan ng karangalan na ito dahil sa ating istriktong pagsunod sa mga polisiya at sa kultura ng maayos na pamamalakad na ating ginagampanan mula noong tayo’y nagsimula. Alinsunod dito, muli naming itatanong: Kanino tayo maniniwala? Sa COA, o sa bayarang troll?” pagtatapos ni Atty Casimiro.