Pagkawala ng 50% ng populasyon ng Quezon City sa 2020 census, kinuwestyon

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, nangangahulugan ito na may 50 percent ng populasyon sa lungsod ang nawawala sa listahan ng PSA.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Hiniling ng Quezon City government sa Philippine Statistics Authority (PSA) na suriing mabuti ang kanilang  2020 census matapos iulat ng ahensiya na tumaas lamang sa 23,932 ang popu-lasyon ng lungsod mula 2015 hang­gang noong nagdaang taong 2020.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, nangangahulugan ito na may 50 percent ng populasyon sa lungsod ang nawawala sa listahan ng PSA.

“Napaka-imposible ng resulta ng census na ito. Paanong nangyari na ganun lang ang itinaas ng aming populasyon, na malayung-malayo sa datos na nakalap ng aming Civil Registry Department,” sabi ni Mayor  Belmonte.

Batay sa 2020 PSA census PSA, may 0.17 percent o tuma-as lamang sa 23,932 ang popu­lasyon ng QC mula 2,936,116 hanggang  2,960,048  sa loob ng limang taon.

“This is very far from the 2015 projections for 2020 by statisticians that our city’s population will increase by 1.17% or to 3.112 million,”sabi ni Belmonte.

Batay sa tala ng  City Civil Registry Department, mayroong 333,468 registered births at 115,810 deaths  mula 2015 hanggang 2020.

“Even if you subtract the deaths, we have a difference of more than 200,000. Kaya ang malaking tanong dito, saan nakuha ng PSA ang kanilang mga numero? Wala naman nangyaring mass exo­dus ng mga QCitizen’s mula sa aming lungsod in the last five years sa pagkakaalam namin,” dagdag ni Belmonte.

Nanawagan si Belmonte  sa PSA evaluators na maki-pag-ugnayan sa barangay officials dahil lumalabas na wala ang may 30 hanggang 54 percent ng kanilang populasyon.

“Kawawa ang mga malili-it na barangay at kanilang mga residente. Mababawa-san ang kanilang pondo pero ang katotohanan ay napa-karami nila sa komunidad.

Nanawagan din si Belmonte sa Kongreso na tulu-ngan ang QC LGU sa mister-yong pagkawala ng mala-  king bilang ng populasyon ng lungsod.

Show comments