St. Luke’s hospitals , hindi na muna tatanggap ng COVID-19 patients

Ito ang inanunsyo ni St. Luke’s executive vice president at chief medical officer Dr. Benjamin Campomanes dahil umabot na sila sa full capacity ng mga pasyenteng infected ng virus at kulang na sila sa health personnel.
Philstar.com / John Nicole Villamayor

Bukod sa puno na, kulang pa sa healthcare workers

MANILA, Philippines — Hindi na muna tatang-gap ng mga pasyenteng  may COVID-19 ang St. Luke’s Hospital sa Quezon City at sa Taguig City.

Ito ang inanunsyo ni St. Luke’s executive vice president at chief medical officer Dr. Benjamin Campomanes dahil umabot na sila sa full capacity ng mga pasyenteng infected ng virus at kulang  na sila sa  health personnel.

Sinabi ni Campomanes  na marami na sa kanilang health workers ang nagsipag resign sa ospital dahil karamihan ay umalis na ng ating bansa at nagsipagtrabaho na abroad at ang ilan  pang mga health workers ay infected na rin ng COVID-19 at karamihan ay nasa quarantine bilang pagtalima sa health protocol ng pamahalaan.

Anya maaari naman silang mag-extend ng mga kuwarto para sa dagdag COVID-19 patients pero wala namang mangangasiwa sa mga ito dahil sa kulang nga sila sa health workers.

Sinabi ni Campomanes na naglaan sila sa bawat ospital sa QC at Taguig ng  30 hanggang 35 percent  ng kanilang bed capacity  para sa COVID-19 patients o may 90 hanggang 120 pasyen­te ang makakaokopa pero    ang kanilang health workers ay kakaunti na ngayon.

Karaniwan anya ay mayroon silang 66 health personnel pero ngayon ay bumaba na sa 43 kaya’t hindi na nila ma-accomodate ang mas maraming pasyente.

Una nang nagbanta ang grupo ng mga  health wor-kers sa bansa na magsisipagbitiw sa trabaho at magsagawa ng protesta kapag hindi naibigay sa kanila sa takdang panahon ang kanilang mga benepis­yo.

Una nang sinabi ni Alliance of Health Workers president Robert Mendoza na hindi pa rin naibibigay ng  Department of Health ang P38,000  halaga ng kanilang meal at transportation allowance mula December 2020 hanggang June 2021, gayundin ang P3,000 monthly active duty hazard pay.

Show comments