^

Metro

Kalsada sa Pasig isinara, nakitaan ng mahabang bitak

Angie dela Cruz, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sarado muna sa mga motorista ang Topaz Road sa Brgy. San Antonio, Pasig City matapos na magkaroon ito ng mahabang bitak, kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat ng Pasig City Disaster and Risk Res­ponse, nabatid na dakong alas-6:00 ng gabi, matapos ang malakas na pag-ulan, nang maipagbigay-alam sa kanila ang biglang pagbitak ng kalsada sa Topaz Road.

Ang naturang bitak ay may haba umanong hanggang 70 metro at matatagpuan sa pagitan ng isang condominium building at isang construction site.

Kaagad namang rumes­ponde ang mga awtoridad at kinordonan ang lugar.

Nilagyan din umano ito ng malaking tarpaulin at mga early warning cones upang maiwasan ang anumang aksidente.

Kaagad ding nag-inspeksiyon sa lugar at nagpulong ang mga lokal na opisyal ng Pasig, sa pangunguna ni Pasig City Mayor Vico Sotto, kasama si Brgy. San Antonio Chairman Raymond Lising, mga opisyal ng city hall, personnel ng DPWH, Meralco at ng Ortigas Land kahapon ng umaga dahil sa pangyayari..

“Our engineers are working with Ortigas Land, Manila Water, Meralco, and the barangay to pinpoint the cause of the damage along Topaz Road. They will finish submit their full assessment by today,” ayon kay Sotto.

“Our initial findings showed that soil erosion could have caused the cracks. Yesterday, it was raining very hard here,” ani Lising.

Samantala, hindi umano dulot ng faultline ang malaking crack ng lupa na nakita sa may pagitan ng Topaz Road sa  Ortigas Center  Pasig City, ayon sa Philippine Institutue of Volcanology and Siesmology (Phivolcs)

Ayon kay Phivolcs  Renato Solidum, kung may faultline sa lugar at gumalaw ang fault ay maaaring lumindol ng malakas dito.

Maaari anyang ang mala­king crack na nakita sa natu­rang lugar ay dulot ng pagguho ng lupa dahilan ng malakas na pag-ulan o maaaring may isinagawang excavation work malapit sa naturang lugar.

PASIG CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with