Kelot itinumba sa eskinita
MANILA, Philippines — Utas ang isang lalaki makaraang barilin ng isa sa dalawang kausap niya sa isang eskinita sa Tondo, Maynila, kamakalawa.
Nakilala ang nasawi na si Efren Castillo, 51, isang glass installer at residente ng Binondo, Maynila.
Sa ulat ng pulisya, naglalakad ang biktima sa may Blk. 5 Extension Amadom, sakop ng Brgy. 649 Baseco Compound, nang dikitan siya ng dalawang salarin.
Nakuhanan pa ng CCTV ng Barangay 649 ang pagtabi ng isang lalaki na nakasuot ng puting damit at isa pa na nakaitim na damit. Nakita rin ang pagbaril ng lalaking nakasuot ng puti sa biktima saka kaswal na tumakas.
Ayon sa kinakasama ng biktima na si Mitchie Romano, nagpaalam lang sa kaniya si Castillo na may bibilhing materyales para sa trabaho nito bilang glass installer.
Ayon naman kay Police Capt. Philippines ng Manila Police District, base sa kuha ng CCTV, maaaring magkakakilala ang biktima at ang dalawang lalaki. Inaalam pa naman kung personal o may kaugnayan sa trabaho ang motibo sa krimen.
- Latest