14 empleyado positibo sa COVID-19
MANILA, Philippines — Simula kahapon ay sarado ang main office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nasa East Avenue, Quezon City makaraang magpositibo sa COVID ang 14 nitong mga empleyado.
Ito ay upang bigyan-daan ang pagsasagawa ng malawakang disinfection sa ahensya.
Sa ipinalabas na abiso ng LTFRB, limang araw na walang magiging pisikal na transaksyon sa publiko at suspendido ang trabaho ng kanilang mga frontliners.
Pero paglilinaw ng LTFRB, tanging ang central office lamang ang tigil-operasyon dahil patuloy naman ang pagbibigay ng serbisyo ng LTFRB NCR office sa pamamagitan ng public transport online processing system.
Maaari ring anilang gamitin ang 24/7 public assistance desk hotline 1342 para tumanggap ng mga tawag mula sa publiko.