^

Metro

LTFRB Central Office sa Quezon City , isinara

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
LTFRB Central Office sa Quezon City , isinara
Sa ipinalabas na abiso ng LTFRB, limang araw na walang magiging pisikal na transaksyon sa publiko at suspendido ang trabaho ng kanilang mga frontliners.
STAR/ File

14 empleyado positibo sa COVID-19

MANILA, Philippines — Simula kahapon ay sarado ang main office ng Land Transportation Franchi­sing and Regula­tory Board ­(LTFRB) na nasa East ­Avenue, ­Quezon City makaraang magpositibo sa COVID ang 14 nitong mga empleyado.

Ito ay upang bigyan-daan ang pagsasagawa ng malawakang disinfection sa  ahensya.

Sa ipinalabas na abiso ng LTFRB,  limang araw na walang magiging pisikal na transaksyon sa publiko at suspendido ang trabaho ng kanilang mga frontliners.

Pero paglilinaw ng LTFRB, tanging ang central office lamang ang tigil-operasyon dahil patuloy naman ang pagbibigay ng serbisyo ng  LTFRB NCR office  sa pamamagitan ng public transport online processing system.

Maaari ring anilang gamitin ang 24/7 public assistance desk hotline 1342 para tumanggap ng mga tawag mula sa publiko.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with