^

Metro

P3.2 bilyong halaga ng ayuda, naipamahagi na sa NCR

.Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot na sa mahigit P3.2 bilyon ang halaga ng ayuda na naipamahagi ng pamahalaan sa may 3.2 mil­yong indibiduwal na naapektuhan ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) Secretary Eduardo Año, kabuuang P3,299,290,000 cash aid na ang nai-distribute sa 3,299,290 kuwalipikadong benepisyaryo.

Ito aniya ay katumbas ng 29.31% ayuda na nai-distri­bute na simula nang umpisahan ang pamamahagi nito noong Agosto 11.

Tiniyak din naman ng kalihim na magpapatuloy ang ayuda distribution sa mga susunod na araw para sa mga low-income individuals na apektado ng ECQ.

Alinsunod aniya sa kautusan ni Pangulong Duterte, mahigpit na pinangangasiwaan at minu-monitor ng DILG, Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of National Defense (DND), sa koordinasyon ng mga local chief executives (LCEs) ang proseso nang pamamahagi ng ayuda sa mga benepisyaryo.

“Mula noong Wednesday (August 11) ay nagsimula na po ang ating  pagbibigay alinsunod sa mga probisyon ng Joint Memorandum Circular No. 3  ng DILG, DSWD at NCR. Kaya po makikita natin dito sa screen ay total of 3,299,290,000 na po ang naipamigay natin, for a total of 29.31 percent mula po Miyerkules,” ulat ng DILG chief kay Duterte sa isang pre-recorded talk nitong Lunes ng gabi.

Una nang binigyan ni Año ang mga local government units (LGUs) ng 15-araw upang ipamahagi ang ayudad ngunit maaari naman itong palawigin pa, kung hihilingin ng mga lokal na pamahalaan.

Matatandaang unang inaprubahan ng pangulo ang paglalabas ng P10,894 bilyong ayuda ngunit malaunan ay dinagdagan pa ito ng P368 mil­yon at umaabot na ngayon sa P11.256 bilyon.

NCR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with