6 sundalo sugatan sa encounter

Sa report ng 5th Infantry Division (ID) ng Philippine Army, alas-7:30 ng umaga nang maganap ang engkuwentro sa pagitan ng tropa ng 95th Infantry Battalion (IB) at mga armadong rebelde sa bisinidad ng Brgy. Capellan ng nasabing lungsod.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Anim na sundalo ang sugatan nang makasagupa nila ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang na­ngongotong sa Ilagan City, Isabela nitong Biyernes .

Sa report ng 5th Infantry Division (ID) ng Philippine Army, alas-7:30 ng umaga nang maganap ang engkuwentro sa pagitan ng tropa ng 95th Infantry Battalion (IB) at mga armadong rebelde sa bisinidad ng Brgy. Capellan ng nasabing lungsod.

Ang tropa ng mga sundalo ay nagresponde sa lugar matapos na makatanggap ng impormasyon hinggil sa presensya ng mga armadong rebelde na na­ngongotong umano sa mga residente.

Nang makarating sa lugar, agad nagkaputukan hanggang sa magbigay ng close-air support ang dalawang helicopter ng Philippine Air Force (PAF) sa ground troops ng Philippine Army.

Ayon kay Lt. Col. Carlos Sangdaan Jr., commander ng 95IB, nasa mahigit 10 rebelde ang nakasagupa ng kanilang tropa mula sa Regional Sentro de Gravidad ng Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley. Tumagal ng mahigit 30 minuto ang engkuwentro bago nagsitakas ang mga rebelde na ikinasugat ng anim na sundalo.

Pinaniniwalaan namang nalagasan ang puwersa ang mga kalaban base sa nakitang mga patak ng dugo sa lugar na dinaanan nila sa pagtakas.

Narekober sa encounter site ang isang M16 fifle, dalawang shotgun, tatlong magazine ng M16, 53 piraso ng bala ng 5.56 rifle, mga bala ng shotgun at mga personal na kagamitan ng mga rebelde.

Show comments