Mayor Isko nahalal na pangulo ng partidong Aksyon Demokratiko
MANILA, Philippines — Hinirang si Manila City Mayor Isko Moreno bilang bagong pangulo ng nilipatan niyang partido na Aksyon Demokratiko (AD) makaraang ihalal siya ng mga miyembro nitong nakaraang Martes.
Ang pagkakahalal kay Moreno sa naturang posisyon ay naganap may ilang araw lamang matapos siyang magbitiw sa dating kinasasapiang National Unity Party (NUP).
Pinangunahan ni Gng. Sonio Roco, co-founder ng Aksiyon Demokratiko, ang paghalal kay Moreno sa ginanap na eleksyon kasama ang iba pang mga opisyal at miyembro ng partido.
“We saw in Yorme someone with a clean track record, tangible accomplishments, and a vision that the party shares,” ayon kay Eernest Ramel, chairman ng partido.
“We are confident that he will be able to help lead the party in its thrust to be a unifying force in an atmosphere of heavy political polarization,” dagdag pa niya.
Samantala, nanatili naman si Pasig Mayor Vico Sotto bilang External Vice President ng AD, habang si Mayor Andres Lacson ng Tarlac ang bagong Vice Chairperson nito.
Hindi pa naman kinukumpirma ni Moreno kung ang paglipat niya ng Partido ay nangangahulugang totoo ang mga balitang tatakbo siya sa mas mataas na posisyon sa susunod na halalan.
Ang Aksiyon Demokratiko ay itinatag ni dating Senador Raul Roco.
- Latest