^

Metro

Baranay tanod, PAU bawal magdala ng baril – DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang mga barangay tanod at iba pang miyembro ng tinatawag na police auxiliary units (PAU), ay hindi pinapayagang magdala ng armas sa kanilang pagtupad sa tungkulin.

Ang paglilinaw ay ginawa ni DILG Secretary Eduardo M. Año kasunod nang pamamaril at pagkakapatay ng isang barangay tanod sa isang curfew violator, na may diperensiya sa pag-iisip sa Tondo, Manila noong Sabado ng gabi.

Ayon kay Año, alinsunod sa Republic Act (RA) No. 10591 o The Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na isinabatas noong 2012, binabawi ang awtoridad ng PAU, kasama ang mga barangay tanod, na magbitbit ng armas, na unang pinahintulutan ng Circular 2008-013 ng National Police Commission (Napolcom).

“While we acknowledge that barangay tanods play a complementary role to local authorities in the maintenance of the peace of order in their respective communities, we firmly reiterate that they are not authorized to carry any firearm in the performance of their duties even if they own these firearms,” paninindigan pa ni Año.

Giit ng kalihim, malinaw ang batas na ang mga registered firearms ng mga local government units (LGUs) ay dapat na iisyu lamang sa isang government official o empleyado nito na may permanenteng plantilla position.

Nanawagan din naman si Año sa mga Local Chief Executives (LCEs) na atasan ang lahat ng barangay tanod sa kanilang hurisdiksiyon na huwag magdala ng anumang uri ng armas habang ginagampanan ang kanilang duties at functions upang hindi masampahan ng kaukulang kaso ng DILG.

Nabatid na sa ilalim ng DILG Memorandum Circular (MC) No. 2003-42, ang mga gamit na maaaring dalhin at gamitin ng mga barangay tanod ay ang nightstick na may teargas sa kanilang belt at holster, handcuff o posas na may holster, pito, flashlight, raincoat, rain boots, maliit na notebooks at ballpens, at first-aid kits.

Sinabi ni Año na kung pakiramdam ng isang barangay tanod na mapanganib ang sitwasyon ay maaari silang humingi ng tulong mula sa lokal na pulis o iba pang barangay tanod.

 

PAU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with