MANILA, Philippines — Isang foreigner ang biglang lumukso't tumakbo sa riles ng tren nang walang saplot sa katawan sa Lungsod ng Mandaluyong habang iniinspeksyon ng mga kawani ngayong umaga.
Ayon kay MRT-3 officer-in-charge general manager Assistant Secretary Eymard Eje, Huwebes, 5:35 a.m. nang biglang magtanggal ng damit ang lalaking dayuhan habang chine-check ng security personnel sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) Boni Ave. Station.
"[He] suddenly removed his clothes, then ran and jumped towards the tracks heading Shaw Boulevard station," paliwanag ni MRT-3 officer-in-charge general manager Assistant Secretary Eymar Eje kanina sa isang pahayag.
"Four station security personnel in Boni chased the said passenger and alerted security personnel at Shaw Boulevard station."
Bandang 5:42 a.m. nang mahuli ang naturang pasahero na siyang ibinalik naman sa Boni station para sa karagdagang imbestigasyon.
Hindi pa naman kinukumpirma ni MRT-3 director Michael Capati sa Philstar.com kung may mental illness (sakit sa pag-iisip) ang lalaki o kung sadyang exhibitionist lang.
"The individual was endorsed to the Mandaluyong Police Station for investigation and disposal. A case of alarms and scandal will be filed against the passenger," dagdag pa ni Eje. May parusang kulong ng hanggang 30 araw o multa ang kasong ito.
Maglalabas pa naman ng karagdagang detalye ang Department of Transportation-MRT-3 ng karagdagang detalye patungkol sa balitang ito.
Hindi katulad ng mga naunang Enhanced Community Quarantine (ECQ) laban sa COVID-19, pinapayagan ang limitadong operasyon ng LRT-1, LRT-2, MRT-3 at Philippine National Railyways, sampu ng iba pang mga pampublikong transportasyon. — James Relativo at may mga ulat mula sa News5