^

Metro

Banyaga tumakbo nang hubo't hubad sa riles ng MRT station sa Mandaluyong

Philstar.com
Banyaga tumakbo nang hubo't hubad sa riles ng MRT station sa Mandaluyong
Kuha ng foreigner na tumalon sa riles ng MRT-3 Boni Ave. Station nang walang saplot sa katawan, ika-12 ng Agosto, 2021
Video grab mula sa Facebook page ng News5

MANILA, Philippines — Isang foreigner ang biglang lumukso't tumakbo sa riles ng tren nang walang saplot sa katawan sa Lungsod ng Mandaluyong habang iniinspeksyon ng mga kawani ngayong umaga.

Ayon kay MRT-3 officer-in-charge general manager Assistant Secretary Eymard Eje, Huwebes,  5:35 a.m. nang biglang magtanggal ng damit ang lalaking dayuhan habang chine-check ng security personnel sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) Boni Ave. Station.

"[He] suddenly removed his clothes, then ran and jumped towards the tracks heading Shaw Boulevard station," paliwanag ni MRT-3 officer-in-charge general manager Assistant Secretary Eymar Eje kanina sa isang pahayag.

"Four station security personnel in Boni chased the said passenger and alerted security personnel at Shaw Boulevard station."

Bandang 5:42 a.m. nang mahuli ang naturang pasahero na siyang ibinalik naman sa Boni station para sa karagdagang imbestigasyon.

Hindi pa naman kinukumpirma ni MRT-3 director Michael Capati sa Philstar.com kung may mental illness (sakit sa pag-iisip) ang lalaki o kung sadyang exhibitionist lang.

"The individual was endorsed to the Mandaluyong Police Station for investigation and disposal. A case of alarms and scandal will be filed against the passenger," dagdag pa ni Eje. May parusang kulong ng hanggang 30 araw o multa ang kasong ito.

 

 

Maglalabas pa naman ng karagdagang detalye ang Department of Transportation-MRT-3 ng karagdagang detalye patungkol sa balitang ito.

Hindi katulad ng mga naunang Enhanced Community Quarantine (ECQ) laban sa COVID-19, pinapayagan ang limitadong operasyon ng LRT-1, LRT-2, MRT-3 at Philippine National Railyways, sampu ng iba pang mga pampublikong transportasyon. — James Relativo at may mga ulat mula sa News5

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

MANDALUYONG CITY

MRT-3

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with