MANILA, Philippines — Nakapag-instala na ang West Zone concessionaire ang Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ng bagong mga water pipeline sa ibat ibang concession areas nito na may 3,100 kilometro mula nang maisapribado noong 2007 o kung susumahin ang layo ng mga bagong tubo ng tubig ay sa pagitan ng Maynila at Tokyo Japan.
Ito ay makaraang matapos ng Maynilad ang paglalagay ng 17 kilometerong mga bagong pipelines mula 2020 kahit na may restrictions na naitakda na community quarantine dulot ng pandemic.
Naglaan dito ang kompanya ng P185 milyon noong 2020 para maglagay ng bagong primary at secondary pipes sa bahagi ng Valenzuela, Muntinlupa, at Bacoor Cavite kaya’t nabigyan na ng maayos na daloy ng tubig ang mga residente sa mga lugar na ito.
“Laying new pipelines across our West Zone concession enables us to give more people access to potable, surface water. Hence, we continue to deploy workers in the field, ensuring that they follow strict health and safety protocols so that crucial pipe-laying activities will not stop,” pahayag ni Maynilad Chief Operating Officer Randolph T. Estrellado.
Ngayong 2021, ang Maynilad ay gumastos ng mahigit P101 milyon sa paglalagay ng mga bagong linya ng tubo ng tubig.