^

Metro

Bagong water pipelines, nailagay ng Maynilad sa 3,100 kilometro

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakapag-instala na ang West Zone concessionaire ang Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ng  bagong  mga water pipeline sa ibat ibang concession areas nito na may  3,100 kilometro  mula nang maisapribado noong 2007 o kung susumahin ang layo ng mga bagong tubo ng tubig ay sa pagitan ng Maynila at Tokyo Japan.

Ito ay makaraang matapos ng  Maynilad ang paglalagay ng 17 kilometerong mga bagong pipelines mula  2020  kahit na may  restrictions  na naitakda na  community quarantine dulot ng pandemic.

Naglaan dito ang kompanya ng P185 milyon noong  2020  para maglagay ng bagong  primary at secondary pipes sa bahagi ng  Valenzuela, Muntinlupa, at Bacoor Cavite kaya’t nabigyan na ng maayos na daloy ng tubig ang mga residente sa mga lugar na ito.

“Laying new pipelines across our West Zone concession enables us to give more people access to potable, surface water. Hence, we continue to deploy workers in the field, ensuring that they follow strict health and safety protocols so that crucial pipe-laying activities will not stop,” pahayag ni  Maynilad Chief Operating Officer Randolph T. Estrellado.

Ngayong  2021, ang Maynilad ay gumastos ng mahigit P101 milyon sa paglalagay ng mga  bagong linya ng  tubo ng tubig.

WEST ZONE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with