Quezon City handa na sa pagbibigay ng ayuda, bukas
MANILA, Philippines — Handa na ang Quezon City government na mamahagi ng cash aid simula bukas sa mga naapektuhan ng pinaiiral na enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon sa Quezon City government, uunahing ipamahagi ang ayuda sa QCitizens na lubhang naapektuhan ng ECQ sa 40 barangay bukas mula alas-11 ng umaga.
Nabatid na P1,000 cash ang ayuda sa bawa’t indibidwal at hanggang P4,000 sa may apat na miyembro ng pamilya o higit pa.
Lilimitahan muna sa 2,000 benepisyaryo ang papupuntahin sa bawa’t distribution center, para masigurong masusunod ang health protocols.
Ipapamahagi ang ayuda sa natitirang 102 barangay sa susunod na mga araw, at ipagbibigay-alam ng inyong barangay ang schedule ng distribution.
Kaugnay nito, bumuo na rin ng Grievance Committee ang lungsod sa bawat distribution centers para tumanggap ng reklamo o pagtatanong hinggil sa ayuda.
Sa pamamagitan ng QCitizen ID, mabilis na maipamamahagi ang cash aid sa mga benepisyaryo.
Ang kumpletong talaan ng cash aid beneficiaries ay naka- post sa bawat barangay, gayundin sa QC government website sa https://quezoncity.gov.ph/sap -2021 distribution list .
Una nang inanunsyo ng DILG na sa August 11 ay magsisimula na ang mga LGUs na mamahagi ng cash aid na apektado ng ECQ sa Metro Manila.
- Latest