Hawaan ng COVID-19 sa NCR tumaas pa sa 1.38 - OCTA

MANILA, Philippines — Mula sa 1.35 reproduction number ay umakyat pa sa 1.38  ang  reproduction number ng COVID-9  sa Metro Manila na nagpapakita ng mabilis na hawaan ng virus batay sa ulat ng OCTA Research group kahapon.

Sa latest monitoring report ng OCTA, ang NCR ay nagtala ng average na 1,096 bagong kaso kada araw mula July 23  hanggang July 29, o may  28% taas sa average na 854 arawang infections mula  July 16  hanggang July  22.

Nakapagtala rin ang Metro Manila ng average daily attack rate (ADAR)  na 7.85 cases per 100,000 population, healthcare utilization rate  na 41%, ICU occupancy rate na  50%, at positivity rate  na  9%.

Mula July 30 hanggang August 5 ay ipinaiiral sa Metro Manila ang ge­neral community quarantine na may heightened restrictions at dagdag na  restrictions at mula August 6 hanggang August 20 ay ipaiiral ang pinaka- mahigpit na restrictions na enhanced community qua­rantine (ECQ)  upang mapigilan ang pagdami ng kaso ng COVID-19 lalo pa’t may Delta variant na sa ating bansa.

Ayon sa OCTA Group, higit na dapat maunawaan ng publiko ang desisyon ng pamahalaan na pa­tindihin ang paghihigpit sa health protocols dahil ito ay para sa kaligtasan ng lahat ng mamamayan.

 

 

Show comments