Sa patuloy na pag-ulan, 3 bahay gumuho

MANILA, Philippines — Tatlong bahay ang gumuho sa Brgy. Bagong Silangan sa Quezon City kahapon ng umaga na sinasabing sanhi nang patulopy a malalakas na pag-ulan.

Ayon kay Elma Aretano, isa sa may -ari ng gumuhong bahay, ang kanilang bahay ay nasa tabi ng creek. Anya lumambot ang lupa na kinatitirikan ng kanilang bahay dulot ng patuloy na pag-ulan hanggang sa tuluyan itong gumuho.

Ayon naman kay Brgy.  Bagong Silangan Chairman Willy Cara, wala namang naiulat na nasugatan sa pagguho ng bahay sa naturang lugar habang ang mga indibiduwal na apektado ng pagguho ay kanila nang nailikas sa barangay covered court.

Samantala, patuloy na binaha ang mga lugar sa lungsod dahil sa patuloy na pag-ulan partikular ang bagong Silangan, gayundin ang kahabaan ng Calamba extension at Maria Clara sa Talayan.

Show comments