MANILA, Philippines — Aarangkada na simula sa darating na araw ng Sabado, Hulyo 31 ang malawakang pagbabakuna sa lahat ng mga driver, konduktor at iba pang transport workers bilang bahagi ng vaccination for transport workers program ng Department of Transportation, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Office of Transport Cooperatives (OTC)
Ang pagbabakunang ito ay eksklusibo para sa lahat ng transport workers kagaya ng drivers, konduktor, ticket seller at iba pang manggagawa sa nabanggit na sektor upang mabigyan sila ng proteksyon laban sa COVID-19.
Simula sa Sabado ay magpapatuloy linggo-linggo sa Parañaque Integrated Terminal Exhange (PITX) sa Pasay ang bakunahan.
Batay sa memorandum circular na inilabas ng DOTR at OTC, saklaw ng proyekto ang mga transport cooperatives sa Metro Manila at karatig-probinsya.
Dahil dito ay inaanyayahan ng naturang mga ahensya ang lahat ng mga kooperatiba na makilahok sa programa para maging ligtas sa virus ang sektor ng transportasyon maging ng mga commuters sa bansa.