^

Metro

Malawakang bakunahan sa transport sector, aarangkada na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aarangkada na simula sa darating na araw ng Sabado,  Hulyo 31 ang malawakang pagbabakuna sa lahat ng mga driver, konduktor at iba pang transport workers bilang bahagi ng  vaccination for transport workers program ng Department of Transportation, Land  Transportation Franchising and Regulatory Board  (LTFRB) at Office of  Transport  Cooperatives (OTC)

Ang pagbabakunang ito ay eksklusibo para sa lahat ng transport workers kagaya ng drivers, konduktor, ticket seller at iba pang manggagawa sa nabanggit na sektor upang mabigyan sila ng proteksyon laban sa COVID-19.

Simula sa Sabado ay magpapatuloy linggo-linggo sa Pa­rañaque Integrated Terminal Exhange (PITX) sa Pasay ang bakunahan.

Batay sa memorandum circular na inilabas ng  DOTR at OTC,  saklaw ng proyekto ang mga transport cooperatives sa Metro Manila  at karatig-probinsya.

Dahil dito ay inaanyayahan ng naturang mga ahensya ang lahat ng mga kooperatiba na makilahok sa programa para maging ligtas sa virus ang sektor ng transportasyon maging ng mga commuters sa bansa.

OTC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with