MANILA, Philippines — Sampung miyembro ng Partidong Manggagawa (PM) ang naharang kahapon ng umaga habang sakay ng isang SUV dahil sa paglabag sa social distancing sa Camarin Road, Caloocan City.
Batay sa report na tinanggap ni Caloocan City Police chief, Col. Samuel Mina alas-10:30 ng umaga nang magsagawa ng chekcpoint ang SS8 at SS9 sa pangunguna ni PLt. Ronald Batalla sa Camarin Road, at maharang ang sasakyan ng mga miyembro ng PM na sakay ng SUV dahil sa ‘out of route’.
Habang kinuwestiyon ang driver ng sasakyan na si Elberto Salvador, napansin ng mga pulis ang mga sakay ito na may dalang banners at streamer paraphernalias .
Dito na napansin ng mga pulis ang kawalan ng physical distancing ng mga sakay sa loob ng SUV. Lumilitaw na patungo sa UP Diliman, sa Quezon City ang 10 miyembro ng PM at nakatakdang makipagkita sa kanilang pangulo na si PM President Renato Magtubo para sa kanilang protesta sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Gayunman agad din pinaalis ang 10 miyembro matapos na maisyuhan ng OVR kaugnay sa paglabag sa AITF Guidelines on Social Distancing.
Nakipag-ugnayan na rin ang Caloocan City Police sa LTO sa posibilidad na maimpound ang sasakyan at pag-iisyu ng Traffic Violation Receipt kay Salvador.