^

Metro

Kelot tinaniman ng bala sa ulo, habang natutulog sa footbridge

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Kelot tinaniman ng bala sa ulo, habang natutulog sa footbridge
Ang biktimang nakilalang si Jose Ronillo Conde, 37, at residente ng Sitio San Roque, Brgy. Pagasa ay naisugod pa ng mga awtoridad sa East Avenue Medical Center ngunit binawian rin ito ng buhay.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang nasawi  nang barilin sa ulo ng ‘di kilalang salarin, habang natutulog sa footbridge sa Brgy. Bagong Pagasa, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Ang biktimang nakilalang si Jose Ronillo Conde, 37, at residente ng Sitio San Roque, Brgy. Pagasa ay naisugod pa ng mga awtoridad sa East Avenue Medical Center ngunit binawian rin ito ng buhay.

Samantala, inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng salarin na mabilis na nakatakas matapos ang krimen.

Batay sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD)-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), nabatid na dakong ala-1:00 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa footbridge na matatagpuan sa Quezon Avenue- Edsa sa naturang barangay.

Sa salaysay ng saksing si alyas John Paul, isang car wash boy, kasalukuyan siyang naghihintay ng kliyente nang makarinig ng putok ng baril.

Nang alamin umano niya ang pinagmulan ng putok ay dito na niya nakita ang biktima na duguang nakahandusay sa footbridge kaya’t kaagad na niya itong ipinagbigay-alam sa mga tauhan ng Oplan Disiplina.

Ayon sa ilang tao sa lugar, ang biktima ay sinasabing madalas na nakikitang nangangalakal ng basura at karaniwan umanong natutulog sa footbridge lalo na kung umuulan.

Masusi naman nang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang krimen para maaresto ang suspek at matukoy ang motibo niya sa likod nang pagpatay.

KELOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with