166 pulis pinarusahan ng Napolcom – Eleazar

Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar suportado niya ang inilabas na resolusyon ng NAPOLCOM. Sa bilang na ito, 75 na mga pulis ang natanggal sa serbisyo, 48 ang pinatawan ng demotion at 43 iba pa ang sinuspinde.
Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Umaabot sa 166 pulis ang pinatawan ng parusa ng National Police Commission (Napolcom) na indikasyon na kumikilos ang  internal cleansing program ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar suportado niya  ang inilabas na  resolusyon ng NAPOLCOM.  Sa bilang na ito, 75 na mga pulis ang natanggal sa serbisyo, 48 ang pinatawan ng demotion at 43 iba pa ang sinuspinde.

Sinabi ni  Eleazar na patunay  din ito na  hindi kukunsintihin ng PNP ang mga maling gawain ng kanilang mga miyembro.

Siniguro naman ni Eleazar na dumaan sa mabusising imbestigasyon ang mga kasong administratibong inihain laban sa mga police scalawag at nasunod din ang due process.

Dagdag ng PNP chief, makakaasa ang publiko na magpapatuloy ang pagsasampa ng kaso laban sa mga tiwaling pulis at pagsibak sa serbisyo sa mga ito bilang bahagi ng kanyang commitment na linisin ang PNP.

Payo ni Eleazar sa mga pulis, sundin  lamang  ng matuwid ang kanilang  tungkulin at umiwas sa anumang  mga  isyu at kontro­bersiya.

Show comments