^

Metro

Mga lugar na puwedeng pasyalan ng mga bata, ilalabas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mga lugar na puwedeng pasyalan ng mga bata, ilalabas
Dahil pinayagan nang lumabas ng bahay ang mga 5-anyos pataas kaya nag-enjoy sa pag-bike ang mga bata kasama ang pamilya sa Marikina Riverbanks kahapon.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nakatakdang maglabas ang Metro Manila Council (MMC) ng listahan ng mga lugar na maaaring puntahan ng mga bata na pinayagan nang makalabas ng bahay ngc for Emer­ging Infectious Diseases (IATF).

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na bumubuo na ang MMC ng resolusyon para sa talaan ng mga ‘open areas’ na maaaring magtungo ang mga batang may edad limang taon pataas.

Una nang binanggit ng IATF na kabilang dito ang mga parke, beach, playgrounds, outdoor tourism areas, biking at hiking trails at iba pang pasyalan na bukas ngunit ipinagbabawal pa rin ang pagpasok nila sa loob ng mga shopping malls. 

Magkakaroon din ng limitasyon sa bilang ng mga taong maaa­ring magsama-sama sa isang oras upang patuloy na hindi magkaroon ng pagsisiksikan.

Lalamanin din ng re­solusyon na kailangan pa ring ipatupad ang ‘minimum health standards’ at magsisilbing gabay ng mga lokal na pamahalaan para sa pagpapatupad nito.

“This came from health experts. Ibig sabihin talagang masusing pinag-aralan kung open space,  ang level ng infection hindi ganun ka grabe. This will be for social, mental, physical, and health of children,”ayon pa kay Abalos.

Matatandaan na pinayagan na ng IATF na makalabas ang mga bata sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ), at modified GCQ (MGCQ).

 

METRO MANILA COUNCIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with