^

Metro

Usok sa Metro Manila, gawa ng tao at hindi mula sa bulkan - Phivolcs

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Usok sa Metro Manila, gawa ng tao at hindi mula sa bulkan - Phivolcs
Ayon kay Director Renato Solidum ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang nakikitang usok sa Metro Manila ay polusyon mula sa mga sasakyan at pabrika.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Gawa ng tao at hindi mula sa Bulkang Taal ang namataang usok sa Metro Manila.

Ayon kay Director Renato Solidum ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang nakikitang usok sa Metro Manila ay polusyon mula sa mga sasakyan at  pabrika.

Anya ang volcanic plume mula sa Taal ay nadadala ng hangin sa may hilagang silangan ng bansa at hindi sa Metro  Manila.

“The haze in Metro Manila is from the ground up and noticeable especially in the morning and along major roads,” sabi ni Solidum.

Dulot nito, pinayuhan ng Phivolcs ang mga taong may sakit sa baga at puso pati na ang mga bata, buntis, at mga senior citien na manatili na lamang sa tahanan kung wala namang importanteng lakad sa labas para maingatan ang kanilang kalusugan.

Kung lalabas naman ng tahanan ay mas  mainam umano  na magsuot ng N95 mask upang maproteksyunan ang mga sarili sa virus at polusyon.

RENATO SOLIDUM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with