2 MMDA traffic enforcer huli ng video sa kotong
MANILA, Philippines — Iniutos na ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos ang imbestigasyon laban sa dalawang traffic enforcers na nahagip sa video ang pangongotong mula sa isang rider sa Baclaran, Parañaque City.
Gayunman, dahil sa hindi masyadong malinaw ang mga mukha ng dalawang sangkot sa pangongotong na traffic enforcers umano ng MMDA dahil kuha umano ito sa top view, agad na ring iniutos sa Traffic Discipline Office (TDO) na kilalanin ang mga ito para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.
Makikita sa nag-viral na video footage na ang isa sa traffic enforcers ay pasimpleng tinanggap ang pera na mistulang driver’s license ang iniabot.
Samantala, muling nanawagan si Abalos sa publiko na ireport sa kanilang ahensiya ang sinumang kawani nila na gagawa ng iligal na aktibidad.
“We shall not tolerate this wrongdoing among our ranks. I will not let anyone tarnish the image of the Authority,” dagdag ni Abalos.
- Latest