MANILA, Philippines — Matapos ang 11-taon, ibinasura na ng Supreme Court ang petisyon ng grupo ng mga bus drivers kontra sa ipinatutupad na ‘number coding scheme’ ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sa 28-pahinang desisyon, sinabi ng SC na nabigo umano ang mga petitioner na magprisinta ng malinaw na argumento para maipakita na hindi balido ang number coding scheme.
Iginiit ng SC na balido ang ipinatupad na polisiya ng MMDA na nakapaloob sa kanilang kapangyarihan sa ilalim ng Republic Act 7924.
Nararapat din umano ang number coding scheme bilang solusyon sa mabigat na trapiko sa Metro Manila. Hindi rin naman umano tuluyang ibina-ban ang pagbiyahe ng mga bus sa Metro Manila ngunit nire-regulate lamang.
Hindi tulad ng mga pri-badong sasakyan, sinabi ng SC na ang operasyon ng mga pampublikong buses sa Metro Manila ay nire-regulate.
Sa kasalukuyan, suspendido ang implementasyon ng number coding scheme sa mga buses dahil sa umiiral na pandemya.