Pagtataas ng bilang ng pinapayagang pasahero sa bus, hiling ng LTFRB

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, ang pagtataas sa passenger capacity sa EDSA buses mula sa kasalukuyang 20 pasaherong limit ay mala-king solusyon para maibsan ang mahabang pila ng mga pasahero na naghihintay sa libreng sakay sa EDSA Busway (Edsa Carousel).
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Plano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maitaas pa sa 20 ang pasahero sa Edsa Carousel buses para maputol ang mahabang Busway queues sa EDSA.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, ang pagtataas sa passenger capacity sa EDSA buses mula sa kasalukuyang 20 pasaherong limit ay mala-king solusyon para maibsan ang mahabang pila ng mga pasahero na naghihintay sa libreng sakay sa EDSA Busway (Edsa Carousel).

Sinabi ni Delgra na nakikipag-usap na sa pande­mic task force ng pamahalaan para sa posibilidad na pagtataas ng passenger capacity.

“We continue to be guided by what the IATF would allow us to do under the current circumstances. Kung puwede nga maitaas na ‘yung kapasidad ng ating public transport kasi isa rin po ‘yan sa mga rason, mas maraming pinasasakay na pasahero,” paliwanag ni Delgra.

Kulang-kulang sa 400 units ang kasalukuyang nag-oope-rate sa EDSA Busway pero umabot sa 182,000 ang ara­wang ulat na pasahero noong June 14 na malaki sa 41,000 ridership noong Marso.

“Dumarami talaga ‘yung pasahero. I have to admit that, we have to admit that. Dahil na rin sa libreng sakay,” dagdag ni Delgra.

Tiniyak naman ni Delgra na ang libreng sakay ay patuloy na ipatutupad kahit matapos ang June 30.

Show comments