Maynilad nagkaloob ng hygiene kits sa Brigada Eskuwela 2021

MANILA, Philippines — Nagbigay ang West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ng cleaning at hygiene supplies at face masks sa 70 public schools  sa  Metro Manila at lalawigan ng Cavite bilang suporta sa  Brigada Eskwela 2021 program ng  Department of Education (DepEd).

Kabilang sa mga naipamahagi ng Maynilad ay mga  liquid hand soaps, disinfectants at repurposed buckets  para sa  DepEd Schools Division Office sa Las Piñas City.

Bukod sa pamamahagi ng 1,400 one-gallon botelya ng liquid hand soaps at disinfectants, at ng  800 buckets sa iba’t ibang paaralan, nagkaloob ang Maynilad ng 4,600 washable face masks para gamitin ng mga guro at iba pang  school personnel.

Ngayong taon, ang  Maynilad ay nakapagpalagay ng  57 modular handwashing stations na  health facilities sa mga paaralan na nasa  West Zone area na nagsisilbing  COVID-19 vaccination hubs.

Ang Maynilad ay aktibong katulong ng  DepEd  sa kanilang taunang  Brigada Eskwela program sa loob ng 12 taon na ngayon.

Sa pamamagitan ng sariling ginhaW.A.S.H.(water, sanitation, health) program, nagkaloob ang  Maynilad ng  drink-wash stations at refurbishes water at sanitation facilities sa mga paaralan para mai- promote ang good health at proper hygiene na nagbenepisyo sa may mahigit  142,000 mag- aaral sa  491 paaralan mula noong 2008.

Show comments