MANILA, Philippines — Nasa 400 residente ng Navotas City kabilang sa A4 priority group o essential workers ang nabakunahan na kahapon.
Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, nasa 200 na trabahador mula sa Navotas Fish Port Complex na kinabibilangan ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA), fish porters, at registered fisherfolks ang nabigyan na ng bakuna habang ang 200 iba pa ay mula naman sa A1-A4 priority groups na nag-walk in para sa bakuna.
Sinabi ni Tiangco na matagal nag hinihintay ng mga ito ang bakuna bilang proteskyon sa virus.
Nauna rito, sa celebration ng Labor Day at instruction ng Department of Labor and Employment, 50 Navoteño essential workers ang nabigyan ng kanilang unang shot ng CoronaVac. Apat sa kanila ay natanggap na ang kanilang second dose.
“We understand that vaccines are limited. We hope to get more vaccines so we could continue providing protection to other members of the A4 priority group, many of whom want to be vaccinated,” ani Tiangco.
Samantala, 11,705 ang nakakumpleto ng kanilang ikalawang doses ng bakuna. 960 dito ang frontliners, 4,088 ang senior citizens, 6,651 ang persons with comorbidities, at apat ang essential workers.