PNP bibili ng mobile CCTV vs anti-terrorism operations
MANILA, Philippines — Hindi lamang ang mga body-worn camera ang nais gamitin ng Philippine National Police kundi maging CCTV Rapid Deployment System para magamit sa anti-terrorist operations.
Ayon kay PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar, ang CCTV rapid deployment system ay binubuo ng 10 deployable CCTVs na may Artificial Intelligence, video management system, 10 CCTV mobile trailers at 10 generators, na pandagdag sa kapabilidad ng PNP Command Center.
Ang bawat camera ng CCTV ay maaaring maka-load ng 200 larawan ng mga wanted na kriminal at gagamit ito ng facial recognition para matukoy ang mga target mula sa grupo ng ng mga tao.
Nabatid na nagkakahalaga ng P60 milyon ang CCTV Rapid Deployment system na kukunin mula sa P45 milyong natipid sa pagbili ng body camera, at P19 milyong natira sa improvement ng PNP Command Center.
Sinabi ni Eleazar na dahil sa masinop na paggastos ng pera ng taumbayan, nakakabili ang PNP ng mas maraming gamit na nakapagpapahusay ng kanilang serbisyo sa mga mamamayan.
- Latest