Taga-Rizal, instant milyonaryo sa lotto!
MANILA, Philippines — Solong napanalunan ng isang taga-Rizal ang jackpot prize ng Regular Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado ng gabi.
Ayon kay PCSO general manager Royina Garma, nasa P10,032,090.40 jackpot prize ang naiuwi ng masuwerteng mananaya matapos na mahulaan ang six-digit winning combination ng Regular Lotto 6/42 na 21-05-09-03-01-12.
Nabili ng lucky bettor ang kanyang winning lotto ticket sa San Mateo, Rizal.
Kaugnay nito, pinayuhan naman ni Garma ang lucky bettor na upang makuha ang kanyang premyo, ay magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at magprisinta ng dalawang balidong ID cards at ang kanyang winning ticket.
Samantala, mayroon pang 69 na iba pang mananaya ang nakapag-uwi naman ng second prize na tig-P24,000 matapos na makahula ng limang tamang numero.
Ang Regular Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.
- Latest