Inuman sa pamilya,kaibigan at kapitbahay, iwas muna
MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga taga-lungsod na iwasan muna ang pagkakaroon ng social gatherings tulad ng mga inuman at iba pang aktibidad na dito nagiging mabilis ang hawaan ng virus.
Ang pahayag ay ginawa ni Mayor Belmonte nang maalarma ang lokal na pamahalaan sa pagtaas ng bilang ng special lockdown areas na dulot ng mga inuman ng mga pamilya, kaibigan at kapitbahay.
Sa index case, walo sa 27 lugar na nasa ilalim ng special concern lockdown ay dulot ng hawahan sa mga inuman sa kanilang mga lugar at dito nagmula ang kontaminasyon sa mga miyembro ng komunidad.
Isang halimbawa ang inuman at ginaganap na kasal sa Brgy. Matandang Balara na nakapagtala ng 69 confirmed cases na mayroong 25 ang naka-pending.
“This is what we want to prevent - COVID-19 positive individuals infecting others in social gatherings without minimum health standards being observed. This is why we keep reminding people that gatherings such as inuman sessions are still strictly prohibited,” pahayag ni Mayor Belmonte .
May 1,017 pamilya ang ngayo’y nasa ilalim ng lockdown sa SCL areas na pawang naisailalim sa swab testing. Ang special concern lockdown areas sa QC ay bumaba sa 16 noong May 20, pero umabot sa 29 kahapon.
“We are doing our best to control our numbers and yet some individuals continue to violate our protocols. We do not condone this disastrous behavior and will immediately impose legal sanctions on all those involved.” pahayag ni Mayor Belmonte.
- Latest