^

Metro

Riot ng mga kabataan, umulan ng molotov bomb

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nalagay sa peligro ang ilang residente at  mga kabahayan matapos gumamit ng mga molotov bomb  ang nag-riot na ang mga kabataan sa  Caloocan at  Malabon City.

Ayon kay Caloocan City Police chief Col. Samuel Mina, nakakaalarma ang riot ng grupo ng kabataan na walang habas sa paghahagis ng  molotov bomb kamakalawa ng madaling araw sa  A.  Mabini St. sa Caloocan kaya agad siyang nagpakalat ng tauhan sa lugar   na tambayan ng  mga kabataan.

Nabatid kay Mina na mga taga-Caloocan at taga-Malabon ang nag-riot na nagdedepensahan ng  mga teroritoryo.

Ani Mina, kilala na nila ang mga kabataang  sangkot sa riot kaya ipatatawag kasama ang kanilang mga magulang.

Kailangan ma-neutralize ang mga kabataang  dahil delikado ang mga ginagamit na molotov  dahil maaaring magdulot ng sunog.

Ganito rin ang nangyari noong Martes ng madaling araw Brgy. Tugatog, Malabon City kung saan isang grupo din ng kabataan  na  may dalang pamalo at  molotov cocktail ang nakuhanan ng  video ng isang  netizen.

Nadamay  din ang kable ng kuryente nang  masunog dahil sa ihinagis na molotov subalit agad din naman naapula.

Anim na kabataan ang naaresto, kung saan lima sa kanila ang 18-anyos, at isa ang 17-anyos.

Inilagay naman sa pangangalaga ng social welfare department ng Malabon ang menor de edad.

CALOOCAN CITY POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with