^

Metro

Paglilinis ng mga estero mas palalakasin

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Paglilinis ng mga estero mas palalakasin
Ipinaliwanag ni MMDA Chairman Benhur Abalos na bahagi ito ng inilunsad nilang programang “I love MM” para malabanan umano ang pagkasira ng Kamaynilaan. Nakapaloob sa programa ang paglilinis ng mga daluyan ng tubig, clearing operations sa mga bangketa, mahigpit na pagpapatupad ng anti-litteing at anti-dengue.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Mas palalakasin nga­yon ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) ang paglilinis ng mga estero at iba pang daluyan ng tubig sa Kamaynilaan bilang pag­hahanda sa pagpasok ng tag-ulan.

Ipinaliwanag ni MMDA Chairman Benhur Abalos na bahagi ito ng inilunsad nilang programang “I love MM” para malabanan umano ang pagkasira ng Kamaynilaan.  Nakapaloob sa programa ang paglilinis ng mga daluyan ng tubig, clearing operations sa mga bangketa, mahigpit na pagpapatupad ng anti-litteing at anti-dengue.

Bilang pauna sa proyekto, inumpisahan na muli ng MMDA ang paglilinis ng Estero de Tripa de Galina sa Maynila habang nakasunod na ang iba pang mga pangunahing estero.

Nakikipag-ugnayan umano sila sa mga lokal na pamahalaan maging sa mga barangay para sa pakikipagtulungan sa paglilinis sa kani-kanilang mga lugar.

Pangungunahan ng Metro Parkways Clearing Group and Flood Control and Sewerage Management Office ang araw-araw umano na ‘declogging’ sa mga daluyan ng tubig, pagtatanggal sa mga ilegal na istruktura sa mga bangketa, pagtatanggal ng mga nakaharang na sanga ng puno at mga sala-salabat na kable para maiwasan ang mga aksidente.

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with