^

Metro

Barangay chairman sa Gubat sa Ciudad incident, suspendido ng 60 araw

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng Sangguniang  Pang­lungsod ng Caloocan ang 60 days preventive suspension na inihain laban kay Brgy.171  Chairman  Romeo Rivera  bunsod ng pagsu-swimming  ng nasa 500 katao noong Mother’s Day  sa Gubat sa Ciudad Resort.

Kinasuhan si Rivera sa kasong Gross Neg­lect of  Duty o Dereliction  of Duty and Conduct Prejudicial to the Service.

Batay sa resolution, bigo si  Rivera na ipatupad ang  kanyang tungkulin bilang punong barangay  nang hindi nito napigilan ang  operasyon ng  nasabing resort  na paglabag sa Inter-Agency Task Force Omnibus Guidelines.

Ipapataw  anumang  araw mula ngayon ni  Caloocan City Mayor Oca Malapitan ang  60 days preventive suspension laban kay Rivera.

Nabatid pa sa resolution na tila wala umanong kamalay- malay si  Rivera na nag- o-operate at patuloy ang pagtanggap ng  nasabing resort ng mga nais na mag-swimming bagama’t nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang  lungsod.

Ibinasura rin ni Sangguniang Panglungsod ang  katwiran ni Rivera na wala siyang alam na nagbukas ang  resort at dahil nagsimba siya kasama ang kanyang pamilya.

Matatandaang  nasa 20 katao na mula sa 500 guest sa  resort ang natukoy na positibo sa COVID-19.

vuukle comment

ROMEO RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with