SM mall sa Caloocan, gagawing vaccination site
MANILA, Philippines — Maaari nang magtungo simula ngayong araw sa SM Sangandaan ang mga residente mula sa South Caloocan na nais na magpabakuna laban sa CoViD-19.
Ito’y kasunod ng pahayag ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan na magiging dagdag na CoViD-19 vaccination site ang nasabing mall para sa mga nasa katergoryang A1, A2 at A3 priority list groups.
Partikular na gagawing vaccination site ang SM Center Sangandaan Cinemas kung saan pangungunahan ng city health workers ang pagbabakuna.
Tatanggap ito ng 400 slots mula Lunes hanggang Sabado, 8am hanggang 4pm. Paalala sa mga magpapabakuna na may cellphone, kailangan magdownload ng StaySafe App para sa contact tracing ng establisimyento.
Nagpapasalamat naman si Malapitan sa pamunuan ng SM Center Sangandaan para sa tulong at suporta nito sa mass vaccination program ng lungsod.
Paalala ni Malapitan, siguraduhin na nakapag-profiling/registration na bago magtungo sa vaccination site. Hindi na kailangan maghintay ng text message para sa appointment.
- Latest