MANILA, Philippines — Magagamit na sa Hunyo ang LRT Line 2 Extension na magdudugtong sa Marikina City patungong Masinag Antipolo.
Ito ang sinabi ni DOTr Sec. Arthur Tugade matapos bisitahin ang Marikina Station sa Marcos Highway.
Anya kapag binuksan na ang Line 2 Extension, aabutin ng 40 minutes lamang ang magiging byahe mula Masinag Antipolo hanggang Recto Maynila na dating 3 oras.
Pero bago ito buksan, tanging Recto Station hanggang Cubao Station lamang ang magiging byahe ng mga tren nga-yong Mayo 22-23 at sa Mayo 29-30 upang big-yang daan ang integration test ng signaling system mula Marikina Station patungong Masinag Station.