Medical Reserve Force ng PNP, tutulong sa vaccination program
MANILA, Philippines — Idineploy na ng Philippine National Police ang kanilang mga Medical Reserve Force para tumulong sa vaccination program.
Ayon kay PNP Chief Police Gen. Guillermo Eleazar, ipinakalat na nila ang kanilang 15 MRF sa ibat-ibang vaccination site sa Quezon City na kinabibilangan ng San Francisco High School, Project 6 Elementary School, at Masambong Elementary School.
Trabaho ng MRF na tumulong sa pag-administer ng bakuna, pigilan ang overcrowding at magpatupad ng health protocol.
Nabatid na ang PNP-MRF ay una nang nagamit sa PNP-operated quarantine facilities tulad ng Ultra Stadium sa Pasig City at PICC quarantine center sa Pasay City.
Ayon kay PNP Health Service Director, BGen. Luisito Magnaye tig-limang MRFs ang ilalagay nila sa bawat vaccination sites.
Samantala, sinabi naman ni Eleazar na ang National Capital Region Police Office Medical and Dental Unit ay sumasailalim na sa reorientation sa vaccination bilang paghahanda sa vaccination ng A4 priority group.
- Latest