Taguig LGU nagbabala sa ‘vaccine slot for sale scam’
MANILA, Philippines — Nagbabala kamakalawa ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa publiko na mag-ingat sa mga taong nais pagkakitaan ang ‘vaccination program’ sa paniningil ng pera para makapagpareserba ng slot sa pagpapabakuna sa kanilang siyudad.
“Citizens are reminded to be wary of these people offering vaccination slots online,” ayon sa pahayag ng siyudad. “The City never uses social media to make appointments and confirm schedules for vaccination.”
Ito ay makaraang makarating sa pamahalaan ang modus na pag-aalok ng slot para sa vaccination sa pamamagitan ng social media at panghihingi ng bayad.
“The registration for the vaccine is free of charge and is done through the Taguig TRACE system,” paalala ng lokal na pamahalaan.
Idinagdag din ng LGU na ang mga may kumpirmadong slot lamang mula sa Taguig City Health Office ang maaaring mabakunahan sa vaccination site.
Mahigpit nilang sinusunod ang priority list na itinakda ng DOH na kabilang sa A1, A2 at A3 categories na siyang mga pinakadelikado at lantad sa virus.(
- Latest