^

Metro

Resort sa Caloocan nagbukas kahit MECQ, ipinasara

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Resort sa Caloocan nagbukas kahit MECQ, ipinasara
Tuluyan nang ipinasara ng pamahalaang lungsod ng Caloocan ang kontrobersiyal na Gubat Sa Ciudad Resort matapos na mag-operate sa kabila na nasa ilalim pa rin ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang NCR Plus.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Tuluyan nang ipinasara makaraang bawiin  ni  Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang business permit ng Gubat Sa Ciudad Resort matapos magbukas at magpapasok ng mga kostumer sa kabila ng pinaiiral na mo­dified enhanced community quarantine (MECQ).

Ayon kay  Malapitan, nilabag ng resort ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases guidelines nang magpapasok sa resort kung saan nagkukumpulan at sama-sama sa gitna ng  banta ng pandemya ng COVID-19.

Sinabi ni  Malapitan, ipinakita ng  pamunuan ng  Gubat sa Ciudad ang kawalan ng malasakit sa  kapwa ng payagang  dumagsa ang  tao sa resort sa pagdiriwang ng  Mother’s Day. Aniya,  umaabot sa 150-200 ang  dumagsa noong Linggo.

Batay sa record ng  BPLO nakarehistro ang resort bilang  Gubat sa Ciudad, Inc.

Lumilitaw  din na nagkaroon ng  komosyon sa lugar nang  pagtulungang bugbugin ng  dalawang  guest sa resort ang cameraman ng  TV5  na si Arnel Tugade na kumukuha ng video. Basag ang ilong ni Tugade bukod pa sa mga pasa sa mukha at katawan. Agad namang dumating ang mga tauhan ng Caloocan City Police at pinauwi ang mga pasaway.

Ayon naman kay Brgy. 171 Chairman Romeo Rivera, hindi niya alam na nagbukas  ang resort noong Linggo. Aniya, Abril 20 nang sitahin  nila  ang nagbabantay dito dahil sa pagpapasok ng  guest upang mag swimming subalit hindi nila alam na sumasalisi ang  mga ito. Handa silang  kasuhan ang  pamunuan ng Gubat sa Ciudad.

 

OSCAR MALAPITAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with