MANILA, Philippines — Maaari nang makaga-mit ng libreng fiber optic internet connection ang mga public school students sa San Juan City, simula ngayong araw, Mayo 7.
Ayon ito kay San Juan City Mayor Francis Zamora, na nagsabing nakatakda nang ilunsad ng city government ang libreng fiber optic internet connection at Learning Management System para sa lahat ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan sa kanilang lungsod.
Mismong sina Zamora at Converge ICT Solutions, Inc. CEO at Co-Founder Dennis Anthony Uy, ang mangunguna sa launching ng Fiber Optic Internet and Learning Management System, na gaganapin dakong alas-9:00 ng umaga sa Sta. Lucia Elementary School.
Ani Zamora, ang proyekto ay bahagi ng commitment ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng de kalidad na edukasyon ang mga public school students ng lungsod, sa gitna ng nananatiling banta ng pandemya.
Nabatid na sa ilalim ng proyekto, magtutulu-ngan ang lokal na pamahalaan at ang Converge ICT Solutions, Inc., upang matiyak na ang lahat ng public school students na naka-enroll sa San Juan City public schools at naninirahan sa lungsod, ay magkakaroon ng mabilis at maaasahang fiber optic internet connection na may WIFI modem para sa kanilang online education.
Nabatid na ang instalasyon nito ay sinimulan na noong nakaraang taon para sa mahigit 12,000 estudyante na naninirahan sa mahigit 6,000 tahanan.
Sinabi ni Zamora na hindi dahilan ang pan-demya upang mahadla-ngan ang kanilang misyon na mabigyan ang mga mag-aaral sa lungsod ng de kalidad na edukasyon.