^

Metro

Pagbubukas ng swimming pool, resorts sa Malabon bawal pa rin

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Pagbubukas ng swimming pool, resorts sa Malabon bawal pa rin
Ayon kay Oreta, tuwing summer maraming pamilya ang nagtipun-tipon at nagkakasiyahan. Aniya, kailangan nilang ipatupad ang pagbabawal sa pagbubukas ng mga nasabing negosyo upang hindi na tumaas pa ang hawaan ng sakit sa lungsod ng Malabon alinsunod na rin sa layunin ng Inter-Agency Task Force resolutions.

MANILA, Philippines — Mananatiling sarado ang mga swimming pool at resorts sa lungsod ng Malabon habang pinaiiral ang Modified Enhanced Community Qua­rantine (MECQ) sa National Capital Region hanggang May 14.

Ito ang binigyan diin ni Malabon City Mayor Antolin A. Oreta III kasabay ng mahigpit na pagbabantay sa mga events establishments kung saan nagkakaroon ng mga pagtitipon at pagsasamasama na posibleng  ma­ging dahilan ng pagkakahawa hawa ng  virus ng  COVID-19

Ayon kay Oreta, tuwing summer maraming  pamilya ang  nagtipun-tipon at nagkakasiyahan. Aniya, kailangan nilang ipatupad  ang pagbabawal sa pagbubukas ng mga nasabing negosyo upang hindi na tumaas pa ang hawaan ng sakit sa lungsod ng Malabon alinsunod na rin sa layunin ng Inter-Agency Task Force resolutions.

“It is a bit of a sacrifice for us all, but we still ban mass gatherings during any occasion while the virus infestation is still at its peak,”  ani  Oreta..

Dito na rin  nasampolan ang private swimming pool  sa Bgy. Maysilo  na pinasara matapos na i-accomodate ang nasa 20 indibiduwal sa isang binyag batay sa kautusan ni Oreta sa Business Permits and Licensing Office, Philippine National Police at Public Safety and Traffic Management Office (PSTMO).

Nabunyag din na walang business permit ang pool  kay  agad itong ipinasara sa pangunguna ni City Councilor Paulo Oreta na co-chairman ng  Malabon City IATF-MEID. Binigyan naman ng violation tickets ang mga dumalo.

RESORT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with