^

Metro

Cayetano, Sotto sa paggamit ng Ivermectin: ‘Makinig sa eksperto’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Cayetano, Sotto sa paggamit ng Ivermectin: âMakinig sa ekspertoâ
Sinabi ni Taguig City Mayor Lino Cayetano na patuloy silang naghihintay ng panuntunan na ilalabas ng Department of Health (DOH) at ng Food and Drug Administration (FDA) kung tama nga bang gamitin ang natu-rang gamot.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hindi pa muna kinukunsidera nina Taguig City Mayor Lino Cayetano at Pasig City Mayor Vico Sotto ang paggamit ng mga pasyente ng COVID-19 sa kontrobersyal na antiparasitic drug na Ivermectin.

Sa halip, kapwa sinabi ng dalawa na magtiwala ang publiko sa anumang panuntunan na inilalabas ng mga medical experts ukol sa kung ano ang maka­gagamot sa COVID-19 at hindi sa mga “conspiracy theories” o sabi-sabi lang.

Sinabi ni Cayetano na patuloy silang naghihintay ng panuntunan na ilalabas ng Department of Health (DOH) at ng Food and Drug Administration (FDA) kung tama nga bang gamitin ang natu-rang gamot.

“We listen to the me-dical experts. ‘Pag dumating po ang panahon na inaprubahan po ‘yan ng FDA, inaprubahan ng DOH… by all means, we will not just support it, we will advocate it, we will buy it,” ayon kay Cayetano.

Iginiit naman ni Sotto na bagama’t may konting nagsasabi ng positibo sa gamot o maliit na ‘scientific basis’, hindi umano sapat ang mga iyon para sabihin na ok ang Ivermectin kontra COVID-19.

“Hindi tayo mga doktor, hindi tayo medical expert. Makinig tayo sa kanila,” paalala ni Sotto.

Kahapon, muling nag­palabas ng pahayag ang FDA na hindi nila inire­rekomenda ang paggamit ng Ivermectin dahil sa kakulangan ng mga ebidensya na totoong nakagagamot ito ng COVID-19. 

COVID-19

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with