EPD, mamamahagi ng ayuda

MANILA, Philippines — Mamamahagi ang pamunuan ng Eastern Police District (EPD) ng ayuda para sa may 1,300 pamilya na residente ng ilang piling barangay sa eastern Metro ngayong araw, Abril 29.

Ayon sa EPD, na pinamumunuan ng director nito na si PBGen Matthew Baccay, sabayang isasagawa ang pamamahagi ng ayuda, sa 17 piling barangay sa kanilang nasasakupan, ganap na alas-9:00 ng umaga.

Nabatid na kabilang sa mga ipapamahaging ayuda ng EPD ay tig-5 kilong bigas, groceries, face mask at face shield.

Isasagawa umano nila ang aktibidad na ito upang mas marami pang matulu­ngang mga residente.

Layunin din nito na pag-ibayuhin ang diwa ng ba­yanihan ngayong panahon ng pandemya at upang mahikayat pa ang ibang mamamayan na tumulong din sa mga nangangailangan nating mga kababayan.

Matatandaang una nang nagtayo ang EPD ng sarili nilang community pantry sa harapan ng kanilang headquarters sa Pasig City kung saan namimigay sila ng pagkain at iba pang non-food essentials para sa mga residente roon.

 

Show comments