^

Metro

Quezon City may libreng COVID-19 test sa mga pumila sa pantry ni Angel Locsin

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Quezon City may libreng COVID-19  test sa mga pumila sa pantry ni Angel Locsin
Ang mga tao ay nakalinya sa community pantry ng komunidad sa Quezon City noong Linggo, Abril 18, 2021. Ang community pantry ay naglalayong tumulong sa sa panahon ng COVID-19 lockdown sa pamamagitan ng pagpapaalam sa mga tao kung ano ang kailangan nila para sa kusina habang ang iba ay malugod ding tinatanggap upang magbigay ng donasyon.
The STAR/ Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inaanyayahan ng ­Quezon City Epidemio­logy and Disease Surveillance Unit (CESU) ang mga residente at fans ng aktres na si Angel Locsin na nagtungo sa itinayo niyang community pantry sa Brgy. Holy Spirit noong Biyernes, na mag-avail ng libreng swab testing service na ipinagkakaloob ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay CESU chief Dr. Rolando Cruz, ang mga residente na may sintomas ng COVID-19, gaya ng trangkaso at ubo, matapos pumila sa community pantry, ay kinakailangang agad na magpasuri.

“Hindi natin puwedeng isantabi ang posibilidad na nagkahawahan dahil sa dami ng dumalo. Mabuti nang makasiguro na hindi natin mahawahan ang ating pamilya at mga kasama sa komunidad,” pahayag ni Dr. Cruz.

Aniya, ang mga apektadong residente ay maaaring magpa-book ng appointment online sa http://bit.ly/QCfreetest o tumawag sa QC Contact Tracing Hotlines: na 8703-2759, 8703-4398, 0916-122-8628, 0908-639-8086, at 0931-095-7737.

Samantala, umapela rin naman ang CESU kay Locsin at sa kanyang grupo na makipag-ugnayan at makipagtulu­ngan sa lungsod sakaling may matukoy silang sinumang indibidwal na nangangailangang ma­suri kaagad.

Para naman sa kanyang panig, pinasalamatan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte si Locsin dahil sa kanyang mga pagkakawanggawa o philanthropic works sa lungsod, kasabay nang apela sa kanya na tumulong din sa pagtukoy ng mga potensiyal na kaso ng sakit.

“Nanawagan ako kay Angel na makiisa sa hakbang ng lungsod na matugunan ang posibleng pagkalat ng CO­VID-19 sa pamamagitan ng maagang pagtukoy sa mga bagong kaso, lalo na sa hanay ng mga nagpunta sa community pantry na kanyang inorganisa,” panawagan pa ni Belmonte.

CESU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with