MANILA, Philippines — Pumila rin at naghintay upang makapagpabakuna ang ina ni Pasig City Mayor Vico Sotto, na si Connie Reyes, na isang beteranang aktres.
Ayon kay Sotto, nitong Sabado ng umaga nang magpabakuna ang kanyang ina sa Pasig City. Ipinagmalaki ni Sotto na tumalima ang ina sa polisiyang ‘first-to-update-first-served” sa pagpapabakuna at pumila upang maturukan ng COVID-19 vaccine.
Si Reyes aniya ang naging pang 6,318th na Pasigueño senior citizen na nabakunahan sa kanilang lungsod.
Iniulat din ng alkalde na mahigit na sa 24,000 residente ng Pasig City ang nabakunahan na, kabilang ang mahigit sa 6,000 senior citizens.