Pamamahagi ng ayuda sa Quezon City, sinimulan na
MANILA, Philippines — Sinimulan na kahapon ng Quezon City government ang pamamahagi ng ayuda sa 30 sites na kapapalooban ng 40 barangays sa lungsod.
Ang makakatanggap ng ayuda ay yaong mga nakatalang manggagawa at low-income families mula sa listahan ng DSWD Social Amelioration Program (SAP), DSWD SAP waitlisted, 4Ps list at sa city’s own QC SAP list.
May kabuuang 2.4 milyong katao mula sa mahigit 800,000 pamilya ang makakatanggap ng P1,000 bawat isa o may maximum amount na P4,000 per family.
Naglaan ang pamahalaan ng P2,481,942,000 para sa QCitizen beneficiaries.
Para maiwasan ang bugso ng tao at maipatutupad ang minimum health protocols, ang financial aid ay ipagkakaloob sa 2,000 residents lamang sa kada distribution center .
Ang mga beneficiaries ay dapat magdala ng valid ID, 2 xerox ng bawat ID na pipirmahan ng tatlong beses para sa verification at auditing purposes. Kung may representative, dapat itong magdala ng valid ID na may 2 xerox na may pirma ng tatlong beses at authorization letter at beneficiary’s valid ID na may 2 xerox.
Naitalaga ng QC government na tumulong sa pamamahagi ng ayuda ang mga elemento ng Quezon City Police District (QCPD), Department of Public Order and Safety (DPOS) at barangay units para sa maayos na pamamahagi ng financial aid.
- Latest