6 Chinese, 3 Pinoy pinigil sa pekeng medical certificate

Gustong mauna sa bakuna

MANILA, Philippines — Pinigil ng Manila Police District (MPD) ang anim na Chinese nationals at 3 Pinoy na pawang nagprisinta umano ng pekeng medical certificate sa intensiyong maturukan ng libreng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19)  sa Tondo, Maynila, nitong Linggo.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Shi Jialiang, 34; Dong Cai , 48; Manuel Chan, 49; Jessebele Ong Chan Chua, 43; Hong Hong Yi, at Hing Yuen.

Samantala, ang mga Pinoy naman ay kinilalang sina Aune Loresto, 19; Jolina Deonila, 19; at Deolita Malguita Jr., 27.

Inaresto ang mga suspek ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 1, sa mass vaccination na isinagawa sa Sergio Osmeña High School Gagalangin,  Tondo.

Ayon sa MPD- PIO, ongoing pa ang validation ng inihaing medical certificate ng mga suspek kaya’t hindi pa nila maire-release ang iba pang detalye kaugnay nito.

Show comments